Araw ng Kalayaan
...Independence Day (June 12)
Dahil bukas ay araw ng Kalayaan, nararapat lamang na magsulat ako gamit ang Tagalog. Mahal ko talaga ang Pilipinas (naks) lalo na't kapangalan ng nanay ko ang ating bansang sinilangan (Filipinas). Ayos ba?
Araw nga ng Kalayaan bukas pero bakit hindi ko maramdaman na malaya talaga tayo? Tingin ko maka-kanluran pa rin tayo. Sa pangalan lang ang ating pagiging malaya. Minsan kapag nagbibiruan kami ng mga kaibigan ko, na kung sakaling mabuhay muli sina Bonifacio o si Sakay o si Rizal, baka mamatay sila uli sa kabaliwan (kung hindi sa pagpapakamatay). Ewan ko ba, basta hindi pa rin tayo malaya.
Malaya siguro sa mga Kastila...pwede pwede, o Amerikano (parang hindi pa rin)...pero tunay na malaya? Hindi. Inaapi pa rin. Tuta pa rin. Desperado pa rin. Naghihirap pa rin.
Inaantabayanan na lang ang Araw ng Kalayaan taun-taon ng mga tao dahil baka walang pasok. Kakaunti na lang talaga ang nagdiriwang nito. Mukhang nabaon na lang sa limot ang diwa at kahulugan ng June 12. Kung tutuusin yata e hindi naman totoo ang June 12. Gimik lang ni Aguinaldo. Ewan. Ang gulo.
Mismong Pilipino hindi nga alam (at walang pakialam) kung tunay nga ba tayong naging malaya ng araw na iyon.
Nakakahiya, Pilipino ako pero dinudugo ilong ko sa pagsusulat ng Tagalog. Shet

0 Comments:
Post a Comment
<< Home